hule ka balbon!
Posted in an labo mo brow!, bad vibes, wasak!!! on June 27, 2008 by skullmonkeysaroundme“nong! nong!” sabi ng pamangkin ko habang dinamba ako sa katawan para gisingin ako. bumangon na rin ako dahil maiinit na. nagtanghalian at nagbihis para pumunta ng starmall para mag “gym”.
(naiimagine ko nang tumatawa si beth at sasabihin nya: ULOL! gym gym ka pa jan! dota lang katapat mo! ahaha!)
ahah! hindi sha nagkakamali. 3 oras akong naglaro at pagkatapos ay naglibot na ako ng shangrila. at ang routine ko sa shagrila eh food trip, maglibot sa 5th floor at tumambay sa 6th floor sa tabi ng starbucks. bibili ng kape at uupo lang ako sa isa sa mga upuan nila doon ang maglalaro ng psp. hehe laro nanaman.
dahil sa lapit lang ng bahay namin naglalakad na lang ako pauwi. Nilakad ko talaga pauwi. at wala ang aangal! hahah! kasi 200 na lang natira sa wallet ko. sayang pwede nang pangbaon mamaya pagpasok ko.
nagmadali ako pagbangon dahil nakatulog ako paguwi ko. tumae, naligo, nagbihis tapos umalis na ko ng bahay.
tinahak ko na ang kahabaan ng edsa mula mandaluyong hanggang makati. (wow haba!) naka kanan na ako sa buendia at papalapit na ng kalye ng paseo. medyo malayo pa ako sa intersection nang naggreen light. nakalagpas na ako’t nakita ko na ang dilaw na ilaw at dali dali ang mamang nakadilaw na uniporme sa pagkampay ng kanyang kamay sa akin, waring isang pokpok sa makati ave na naghahanap ng mapipickup. at nagpapickup naman ako. hahah.
“alam nyo naman ho na kapag nagdilaw na eh slow down na diba?”
“oho alam ko po. pero bago pa magdilaw nalagpas na ako sa linya.”
“hindi ho, dilaw na. makita nga ng lisensya.”
sabay abot ng lisensya. tiningnan nya ang lisensya ko’t nilabas ang paniket nya. sa panahong iyon napagisip ako.. dilaw na nga ba? ako ang huli sa mga nakatawid pero alam kong green pa yun. pero mukang hindi papatalo tong mamang to.. mukang gutom na rin ang itsura’t gusto nang makaquota. kung makikipagareglo ako isang daang piso kaya pwede? wala nang laman din ang wallet ko. alangan namang sabihin ko kay manong mapsa na: “pwede bang magwithdraw muna ako jan sa bpi tapos iabot ko na lang sayo?” baka naman umbagin pa ako.
sabay lapit ulit ni manong mapsa.
“nahuli na po ba kayo dito sa makati?”
“hindi pa”
“ganito yan. magseseminar ho kayo ng 3 araw at tutubusin nyo ho ito pagkaraan ng seminar ninyo.”
(anak ng teteng, seminar pa. at tatlong araw pa!)
naisip kong its all or nating na ito. ipaglalaban ko ang lisensya ko sa halangang 200 pesos. sana kumagat ang loko. “manong baka naman ho pwede nating maareglo ito sa two hundred? hassle na ho kasi kung magseseminar pa ako.”
“callcenter ka ba nagtatrabaho?”
“oho”
“pang gabi?”
“oho”
“edi walang problema na hindi ka makakapagseminar.”
hindi nakalusot. isa pa nga..
“oo nga ho. e kaso ho bukas ihahatid ko ate ko sa opisina nya. wala naman hong ibang magddrive. etong dadating na weekend uuwi kami isabela. matagal na po itong plano eh. kung next week pa ho. wala pong magddrive sa nanay ko. cge na po baka naman po pwedeng maareglo na lang po sa 200? wala na ho akong pera din. bukas pa ang sweldo.” (naku po papa Jesus patawarin nyo po ako sa mga kasinungalingan ko with matching best actor..)
“iho, ang 50% ang kumisyon namin dito. kung ang tubos mo sa lisensya mo ay 2500 naku eh wala pa yang 200 mo.”
“ay shet..” tahimik kong sinabi sa sarili…
nagtagal ang pagrarason ko at ang pagrarason din ni mamang mapsa. mukang titiketan na ako. pero nahuli ko rin ang loko nang sabihin nya..
“O pano? TITIKETAN NA KITA?”
kaching! kaching!! kaching!!! gusto kong sabihin sa mukha nya na.. KUMAGAT KA RING LOKO KA!! TAE KA NAGAANTAY KA LANG! NAGPASIKOT SIKOT KA PA!
ayon.. best actor na best actor talaga ako nung oras na yon. mukang tinalo ko pa ang mga artistang pinoy sa pagiging best actor ko kahit walang iyakan. napa OO ko rin siya sa halangang 200 pesos. hahaha! inabot niya ang lisensya ko’t inabot ko na rin ang 200. nagsara ng bintana at humarurot na paalis. baka magbago pa isip ng loko..
masaya na ako’t 200 lang ang naibigay ko kesa nung unang huli ko sa may crame. 500 din un. paano ba naman bagong withdraw ko lang ng sweldo ko mmda na kagad ang nakatikim ng sweldo hindi ang nanay ko. salamat na rin at nakapagdota ako kanina. kung hindi, 500 ang naibigay ko kay yellow chorva (haha! hindi ikaw ito axel.)
pero shempre naniniwala din naman ako sa kasabihang “walang mangongotong kung walang magpapakotong.” eh kung mabilis lang ba ang proseso sa pinas eh pwede. eh sa bagal ng gobyerno natin ay stoneage na systema. sino bang hihindi kapag hassle na hassle ka na. kaya ayon.. kwento ko lang ang nangyare sa akin kanina. yun lang.








